Abala at maingay ang superhighway. Napapagod ang mga mata ni Nova kaya pumikit muna siya at isinandal ang ulo sa headrest. Isang driver lang ang inayos ni Jeremy para ihatid siya. Ayos lang iyon, kahit mas gusto sana niyang samahan siya ng lalaki para makita ni Morgan na nasa ilalim talaga siya ng proteksiyon ng mga Villegas.Pero wala na siyang pakialam. Ang importante matuloy ang kasal niya kay Morgan. Bahagyang napangiti ang babae nang may matanto.Hindi naman talaga pinapahalagahan ng pamilya si Yelena, ang anak na matagal nang nawawala. Nitong mga nakaraang taon, grabe ang pang-aapi niya sa babae, pero wala man lang pakialam ang mga Villegas ngayon. Kung may ideya na ang mga ito, dapat pinaparusahan na siya.Humikab siya at dumilat. Sumulyap sa labas ng bintana ng kotse, bigla niyang napansin na ibang rota ang binabagtas ng sasakyan."Mali ba ang dinaanan mo? Kung hindi mo alam ang daan, gumamit ka ng navigation." Hindi niya tinnignan ng driver.Hindi ito nagsalita, basta nagman
Read more