Natapos na rin ni Shaina sa wakas ang presentation na pinapagawa ni Lukas dahil minamadali nito ang mga presentation kasi gagamitin daw nito ngayong lunch break. Halos mapagod ang utak niya sa kaka-check ng graphs at numbers na para bang hindi na matatapos. Nakakahilong tingnan ang mga numero at lines kung yon na lang palagi ang titingnan niya. Hindi pa naman siya mahilig sa mga numbers, okay lang kung pera. Pinikit niya sandali ang mga mata niya at huminga nang malalim. Buti na lang, at least, kahit papaano, nagawa niya iyon nang maayos at natapos niya na humihinga pa siyaBago pa siya makapagpahinga, bigla na lang bumukas ang pinto ng opisina. Wala naming ibang tao ang mapangahas na bubukas ng pinto nila na hindi muna kakatok. Agad siyang napalingon at muntik nang malaglag ang ballpen na hawak niya, tama nga ang hinala niya. Nakatayo sa may pinto ang boss niya, and as always, fresh na fresh ito at amoy baby na bagong paligo, as if hindi ito nagkaka-problema sa buhay.Well, kung gani
Last Updated : 2025-08-30 Read more