Maaga pa lang ay gising na gising na si Shaina kahit Sabado. Hindi dahil sa trabaho kundi dahil hindi siya mapakali, pati yata singit niya ay pinagpapawisan dahil sa kaba. Ngayong araw ang lakad nila ni Lukas at hindi niya alam kung ano ang gagawin niya. Hindi niya pa rin matukoy kung ano ba talaga iyon, kung date ba talaga o baka simpleng business meeting lang. Pero sa totoo lang, kabadong-kabado siya.Nakakalat ang halos lahat ng damit niya sa kama. Mula sa dress, blouse, slacks, at hanggang simpleng shirt at pants ay hindi niya pinalampas. Ilang ulit na siyang nagbihis pero wala pa rin siyang makitang sapat at yong tipong komportable siyang suotin.Bumukas ang pinto ng kwarto nila at sumilip si Regine, nakahalukipkip ito at may nakakalokong ngiti. Parang pati kapatid niya ay tinutukso pa siya. Gusto niya tuloy itong kurutin sa singit, hindi na nga siya magkandaugaga sa pagpili ng damit ay may gana pa siyang tuksuhin.“Ate, ano ’yan? Para kang nag-ayos ng buong cabinet mo ah.” Malak
Terakhir Diperbarui : 2025-09-06 Baca selengkapnya