Paglapag ng eroplano ay agad na sumalubong kay Shaina ang kakaibang simoy ng hangin at tinatangay pa ang mahaba niyang buhok. Pumikit pa siya para mas maramdaman ang hangin—mas presko, mas mabango, at may halong alat na parang paanyaya mula sa dagat. Hindi pa man siya nakakalabas ng airport ay dama na niya ang kakaibang saya sa dibdib. Hindi ma-explain ang saya na nararamdaman niya ngayon. Finally, one bucket list, unlocked!“Welcome to Boracay,” bulong ni Lukas sa tabi niya, malapit sa tenga, dahilan para mapapitlag siya. Ramdam niya pa rin ang init ng hininga nito, at kung hindi lang siya nakapikit kanina, baka nahuli siya nitong namumula. Huminga siya nang malalim at hinawakan ang kamay ni Lukas, bilang pasasalamat sa ginawa nito ngayon. Kung hindi dahil dito, baka hindi sila makakapunta ng Boracay.Nauna nang tumatakbo si Regine palabas, halos hindi mapakali sa tuwa. May patalon-talon pa itong nalalaman, akala mo talaga hindi dalaga eh. Napapailing na lang siya, ang importante mas
Terakhir Diperbarui : 2025-09-14 Baca selengkapnya