Pagdating pa lang ni Shaina sa opisina kinabukasan ay ramdam na niya agad ang kakaibang atmosphere. Para bang lahat ng tao ay may gustong itanong o sabihin sa kanya, pero pinipigilan lang nila. Habang naglalakad siya papunta sa office nila, ramdam niya ang mga matang nakatingin, may nagbubulungan, may pasimpleng nagkikindatan. At ang masama pa, ang iba ay nakatingin sa kaniya na para siyang hinuhusgahan. Ang iba pa nga ay nag head to toe pa kung makatingin.Kinagat niya ang loob ng pisngi niya para huwag mapikon. Diyos ko, ano na naman ‘to? May dumi ba ako sa mukha?Pag-upo niya, biglang may tumabi agad na officemate, si Mariz, na kilala sa pagiging prangka.“Ano, Shai?” sabay kindat nito. “Kayo na ba ni sir?” Diretsong tanong nito sa kaniya.Bubuksan na sana niya ang pinto ng office nila pero bigla siyang natigilan. “H-ha? Ano daw?”“Oo na, huwag ka nang mag-deny.” Sumulyap pa ito sa iba nilang kaopisina. “Nakikita ka naming binibigyan ka ni Sir ng mga pagkain, tapos kanina lang may
Last Updated : 2025-09-05 Read more