“Ma, can you please stop,” ani Arkin at napahilot sa sariling sentido. Hindi niya nagustuhan ang sinabi ng ina tungkol kay Elaina. “At bakit? Pawang mga katotohanan lamang ang mga sinasabi ko. Hindi ka namin pinag-aral ng ama mo para lamang maging isang tagaturo ng babaeng ‘yan! Look, Arkin, bakit hindi mo pag-isipan ang mga sinasabi namin ng papa mo sa’yo!” “Heto na naman ba tayo, Ma? Ilang beses ko bang sasabihin sa inyo, si Elaina ang pinakasalan ko, kaya obligasyon ko na siya ngayon.” Malalim na bumuntong-hininga ang matandang donya. Nasa mukha nito ang hindi pagsuko. “’Wag kang maging tanga, Arkin. Baka magsisi ka kapag ipinagpatuloy mo ‘yang kahangalan mo!” galit na saad nito kay Arkin, sabay labas ng opisina ng kanyang asawa. Nahihiya na tumingin siya kay Arkin. Alam niya na siya ang dahilan kung bakit hindi magkasundo ang mag-ina ngayon. “P-pasensya na… dahil sa akin hindi kayo magkasundo ng iyong ina.” Sunod-sunod na pag-iling ang naging tugon ni Arkin kay Elain
Última actualización : 2025-11-28 Leer más