Share

Chapter:13

Author: Miss Jesszz
last update Last Updated: 2026-01-12 11:15:48

“Baka naman mapag-usapan pa natin ito, Mr. Rogers.”

Mula sa office library ay kita ni Elaina ang mukha ni Arkin na hindi nito maipinta. Tila may malaki itong problema ngayon. Simula pa kahapon ay hindi na ito mapakali. Kaliwa’t kanan ang tawag na natatanggap nito sa telepono.

Matapos ang pakikipag-usap nito sa cellphone ay nakita niya kung paano tila nanghina ang katawan nito at bumagsak sa swivel chair. Nag-alangan man, pumasok pa rin siya sa opisina nito upang ibigay ang tinimpla niyang juice.

“M-magpalamig ka muna.”

Kinakabahan niyang alok sa asawa. Napahilot si Arkin sa sariling sentido nang makita siya.

“Kanina ka pa diyan?”

Umiling siya.

“Hindi, kakapasok ko lang.”

Napatango-tango na lamang si Arkin. Bago pa man siya makapagsalita upang ibigay ang kanyang inihandang meryenda sa asawa ay biglang bumukas ang pintuan ng opisina. At iniluwa noon si Donya Octavia, kasama ang babaeng kasama ni Arkin noong isang araw.

Bigla siyang nanliit habang lihim na pinagmamasdan ang bab
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Ang Asawa Kong No Read No Write   Chapter:13

    “Baka naman mapag-usapan pa natin ito, Mr. Rogers.” Mula sa office library ay kita ni Elaina ang mukha ni Arkin na hindi nito maipinta. Tila may malaki itong problema ngayon. Simula pa kahapon ay hindi na ito mapakali. Kaliwa’t kanan ang tawag na natatanggap nito sa telepono. Matapos ang pakikipag-usap nito sa cellphone ay nakita niya kung paano tila nanghina ang katawan nito at bumagsak sa swivel chair. Nag-alangan man, pumasok pa rin siya sa opisina nito upang ibigay ang tinimpla niyang juice. “M-magpalamig ka muna.” Kinakabahan niyang alok sa asawa. Napahilot si Arkin sa sariling sentido nang makita siya. “Kanina ka pa diyan?” Umiling siya. “Hindi, kakapasok ko lang.” Napatango-tango na lamang si Arkin. Bago pa man siya makapagsalita upang ibigay ang kanyang inihandang meryenda sa asawa ay biglang bumukas ang pintuan ng opisina. At iniluwa noon si Donya Octavia, kasama ang babaeng kasama ni Arkin noong isang araw. Bigla siyang nanliit habang lihim na pinagmamasdan ang bab

  • Ang Asawa Kong No Read No Write   Chapter:12

    “Ma, can you please stop,” ani Arkin at napahilot sa sariling sentido. Hindi niya nagustuhan ang sinabi ng ina tungkol kay Elaina. “At bakit? Pawang mga katotohanan lamang ang mga sinasabi ko. Hindi ka namin pinag-aral ng ama mo para lamang maging isang tagaturo ng babaeng ‘yan! Look, Arkin, bakit hindi mo pag-isipan ang mga sinasabi namin ng papa mo sa’yo!” “Heto na naman ba tayo, Ma? Ilang beses ko bang sasabihin sa inyo, si Elaina ang pinakasalan ko, kaya obligasyon ko na siya ngayon.” Malalim na bumuntong-hininga ang matandang donya. Nasa mukha nito ang hindi pagsuko. “’Wag kang maging tanga, Arkin. Baka magsisi ka kapag ipinagpatuloy mo ‘yang kahangalan mo!” galit na saad nito kay Arkin, sabay labas ng opisina ng kanyang asawa. Nahihiya na tumingin siya kay Arkin. Alam niya na siya ang dahilan kung bakit hindi magkasundo ang mag-ina ngayon. “P-pasensya na… dahil sa akin hindi kayo magkasundo ng iyong ina.” Sunod-sunod na pag-iling ang naging tugon ni Arkin kay Elain

  • Ang Asawa Kong No Read No Write   Chapter:11

    Chapter 11 “P-para sa akin ang lahat ng ito?” Hindi makapaniwalang tanong ni Elaina sa asawang si Arkin habang nakatingin sa iba’t ibang klase ng school supplies. Nai-excite siya sa mga maaaring magawa roon. Nakangiting tumango sa kanya ang asawa. “Yes. Para sa’yo ang lahat ng iyan, Mahal.” Nakangiting sagot ni Arkin sa asawa. Masayang nilapitan ni Elaina ang mga kagamitang pang-eskwela. Inisa-isa niya iyong hawakan. Kahit hindi man sabihin sa kanya ni Arkin, alam niyang mamahalin ang mga kagamitang binili nito para sa kanya. Hindi man siya marunong bumasa, ngunit kahit paano ay marunong siyang tumingin sa kalidad ng mga gamit. “Nagustuhan mo ba, Mahal?” Malambing na tanong sa kanya ni Arkin. Nakangiti siyang tumango sa asawa. Para siyang isang paslit na nabilhan ng laruan ng magulang. Sobrang saya niya dahil unti-unting natutupad ang mga pangarap niya. Kinuha niya ang isang lapis at notebook. Excited siyang masulatan iyon. Ngunit agad din niya iyong binitawan at b

  • Ang Asawa Kong No Read No Write   Chapter:10

    (Donya Octavia) Pabalang niyang ibinato ang mamahaling bag sa kama. Galit na galit siya. Kalat na-kalat na kasi ang balita na nagpakasal ang kaisa-isang anak niyang si Arkin sa isang mahirap, hindi lang iyon, kundi sa isang babaeng hindi marunong bumasa at sumulat. “Hindi maaari ito, Minandro. Kumakalat na ang katangahang ginawa nang anak mo. Kailangan mapatay natin ang isyu tungkol kay Arkin. Kung magpapatuloy ito at malalaman ng mga tao—lalo na ng mga ka-negosyo natin—ang totoo, at hindi iyon maaari! Pagtatawanan tayo ng mga ka-negosyo natin, Minandro Magiging mababa ang tingin sa atin ng mga tao! At iyon ang ayaw kong mangyari.” Malalim na bumuga ng hangin ang matandang Don, at napailing sa kawalan. “Ano ka ba naman, Octavia? Mas importante pa ba sa’yo ang sasabihin ng ibang tao kaysa sa nararamdaman nang anak mo? Kung malaman man nila ang katotohanan, wala na tayong magagawa dahil iyon ang totoo.” Mahinahon ang sagot ni Don Minandro sa asawang paroon-parito ang gawa. K

  • Ang Asawa Kong No Read No Write   Chapter:9

    Matamis niyang nginitian si Priea at tumango rito. “Beautiful…” ani niya at saka inalalayan ang babae. Pagkatapos mamili ay nagyaya si Priea na kumain sa paborito nilang restaurant noong sila pa ng babae. Napatigil siya sa ginagawa nang masuyong hawakan ni Priea ang kamay niya. “Do you still remember our sweet memories in this restaurant?” masuyong tanong sa kanya ng babae at matamis na ngumiti sa kanya. Kinuha niya ang kamay nito at marahan na tumango. “Yeah, of course. Dito tayo nagkakilala, at dito ka rin nakipaghiwalay sa akin, four years ago,” ani niya at gumuhit sa mata ang lungkot. Muli niyang naalala kung paano siya nagmakaawa noon kay Priea upang huwag lamang siya nitong iwanan. Ngunit sa huli, mas pinili ng babae ang career nito kaysa sa kanya. “I’m sorry for what I did. But I’m here now, Arkin. Pwede ulit tayong magsimula. Pwede na tayong magsama, gaya ng gusto mo noon. Pwede na tayong bumuo ng pangarap nating pamilya.” “And how can I do that? You kn

  • Ang Asawa Kong No Read No Write   Chapter:8

    Magaan siyang ngumiti kay Manang Erma at mariing umiling sa matanda. “Wala po kayong kasalanan, Manang. Nagpapasalamat nga po ako dahil kahit paano, tinutulungan ninyo ako kahit na puwede ninyong ikapahamak iyon.” Mabigat na nagbuntong-hininga si Manang at umiling. “Sa totoo lang, iha, kung ako ang masusunod, matagal ko nang isinumbong yang si Octavia kay Arkin.” Nanlaki ang mata ni Elaina at matigas na umiling sa matandang mayordoma. Kapag ginawa nito iyon ay mapapahamak ito, higit sa lahat ang kanyang pamilya sa Quezon. “Manang, nakikiusap po ako sa inyo, ‘wag na ‘wag n’yo pong sasabihin kay Arkin ang mga ginagawa sa akin ni Mama. Maaaring ikapahamak mo iyon at ng pamilya ko po, Manang.” Napailing na lamang sa kanya si Manang. “Alam ko, Elaina. Ngunit hanggang kailan ka magtitiis kay Donya Octavia? Hanggang kailan ka magtitiis sa mga pananakit niya sa’yo,sa mga pagpapahirap?” Panandalian siyang natigilan sa tanong na iyon ni Manang Erma. Hanggang kailan nga ba siya m

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status