"Gad news, boss." Kumunot ang mga noo ni Ludwick saka sinuklay ang kaniyang buhok gamit ang kaniyang kamay. "Ano? Anong gad news?" paglilinaw ni Ludwick saka tinitigan ang sarili sa salamin. He looked good with his usual outfit. Kahit nga hindi na ito mag-ayos ay tiyak na mangingibabaw pa rin ang mukha nitong biniyayaan ng kaguwapuhan. "Did you mean, bad news?" "Hindi, boss. Gad news. Good and bad news," sagot naman ng kausap nito sa kabilang linya. Napasimangot si Ludwick. "Could you please stop being corny? Sabihin mo na lang sa akin." "Ganito kasi 'yan, boss. Ang good news, tinanggap ni Miss Sadie ang cake." Huminto muna sa pagsasalita si Pulahan, bumubuwelo ito bago muling magsalita. "Ang bad news, pinakain niya sa mga empleyado niya. Ni buksan ang cake, hindi niya ginawa." Pangalawang araw na ito para kay Ludwick para subukang kunin ulit ang loob ni Sadie. Tanggal na sa listahan ang pagbibigay ng rosas, at pagbibigay ng cake. "Pabayaan mo na. Umuwi ka na muna at uutusan na
Last Updated : 2025-09-08 Read more