Napatingala si Sadie sa kalangitan samantalang nakapako ang tingin ni Ludwick sa kaniyang mukha.“Ang ganda ng mga bituin.”“Oo, sobrang ganda,” saad naman ni Ludwick, walang pakiaalam sa nakikita ni Sadie.“I never thought na gagawin natin 'to. Bukod sa parang hindi na ito bagay sa ating edad, akala ko ay wala na tayong oras para rito.” Nakatingin lang sa kalangitan si Sadie. “We're both busy at nakakaluwag lang kapag gabi o hindi kaya ay free time.”“I'm sorry,” wika ni Ludwick dahilan para mahinang matawa si Sadie.“Why are you saying sorry? Hindi mo naman kasalanang busy tayo pareho.”“Yeah, but I can't stop blaming myself for being busy. For being a mayor,” katuwiran naman ni Ludwick.“You shouldn't have run kung sisisihin mo lang din ang sarili mo,” giit ni Sadie at saka napalingat kay Ludwick.“I never wanted to be in this position naman. It's dad. Ito ang gusto niya para sa akin and as his first son, kailangan na tumulad ako sa kaniya.” May bakas ng lungkot sa boses ni Ludwick
Last Updated : 2025-09-17 Read more