Tatlong araw na ang nakalipas simula nang may nalason sa Marasa Restaurant. Sa tatlong nakalipas na oras, may iilang bagay na nalaman si Ludwick. Una, walang kapabayaang nangyari ang establisyemento. Pangalawa, magkakakilala naman pala talaga ang mga nalason at umaming binayaran lang sila. Pangatlo, kahit sinabi na nila sa madla ang tunay na nangyari, walang masiyadong naniniwala dahil may nagsilabasan pang issue tungkol kay Sadie. Inungkat ang naging kaso ng tatay nila at dinagdagan pa iyon ng mga kuwentong puro kasinungalingan. Sinabihan pa ang ama nitong isang kriminal at nakapatay umano ito, bagay na ikinaalma ni Sadie. Ang ina naman niya ay in-edit-an ng picture at binasagang "p****k ng taon" dahil kabit kuno ito ng kung sino-sino. Kaagad namang pinabulaanan ni Sadie ang mga nababasa niya sa social media. Ngunit, sa halip na simpatiya ang mababasa, pangba-bash ang natanggap niya. Sirang-sira naman na siya sa pamilya niya dahil siya pa ang sinisisi ng mga ito kung bakit kumaka
Huling Na-update : 2025-11-06 Magbasa pa