Gwen’s POVNAPAIWAS ako nang tingin sa sinabi ni Leander. Baka saan pa kasi ito mapunta. Pero hindi ko maiwasang mapahawak sa batok dahil sa kiliting naramdaman ko.Bahagya ko siyang tinulak at nahiga, saka tumalukbong. “Nakainom na ako ng gamot kaya makakaalis ka na.”Wala akong narinig sa kanya. Hindi rin siya kumilos.“Kapag may kailangan ka, sa labas lang ako.”Tinanggal ko ang pagkakatalukbong sa akin at tumingin sa kanya. “No need. Kaya ko na ang sarili ko. Hindi naman ako bata, Leander. Saka ilang beses na akong nilalagnat, nakakaya ko namang walang nag-aalaga sa akin,” ani ko na ikinatitig niya sa akin.Totoo naman. Kapag nilalagnat ako, iniinuman ko na lang ng gamot. Kahit nga masama rin pakiramdam, pumapasok ako.Sinamantala ko ang pagkatigil niya, tumalukbong ako at pumikit na. Hindi ko alam kung anong oras umalis si Leander dahil agad akong nilamon ng kadiliman. Nagising ako na nilalamig kaya kahit na masama ang pakiramdam, bumangon ako para patayin ang aircon. Napansin
Last Updated : 2025-11-12 Read more