Gwen’s POVMAGATAL akong nakatitig sa lalaking nasa litrato na kasama ni Mommy. Gwapo, matangkad, maputi at matipuno. Sa apelyido niyang Ong, ini-expect ko na Chinese ang mukha niya, pero hindi. Marahil mixed na siya o ‘di kaya pang-ilang henerasyon na siya.Siya ba talaga ang ama ko?Medyo hawig ang mata namin pati ang kilay, the rest, sa Mommy ko na, e. Napasandal ako sa headrest ng kama saka muling tinitigan ang litrato. May excitement naman akong nararamdaman kahit na lukso ng dugo, pero parang hindi ako masaya na makita siya.Oras na magkita kami, sigurado akong maraming magbabago sa amin ni Leander. Una sa lahat, baka kunin na ako ng ama ko base sa pagkakasabi ni Fajardo na pinapahanap niya rin ako. Sasama naman talaga ako sa kanya kung sakali. Pagkakataon ko na iyon para makilala siya. Baka sakaling maging busy ako at makalimutan si Leander. Kaya nga dapat magpasa na ako ng resignation. Saka pwede naman akong pumasok sa iba para tuluyang makaiwas kay Leander.Napatingin ako sa
Huling Na-update : 2025-12-10 Magbasa pa