The moment I saw the number and the message, I blocked it. Masyado na akong maraming iniisip para dumagdag pa 'yon. Pinatay ko ang phone ko pagkatapos kong magtext kay Nadz na ayos lang ako. Sunod-sunod pa 'yong text niya at mag-uusap na lang kami kako pagdating ko sa apartment.Habang seryosong nagmamaneho si Xavier, tumingin ako sa kanya. "Pasensya ka na, Xavier, at nadamay ka pa sa gulo ng buhay ko," hinigi ko ng paumanhin sa kanya.Sa totoo lang, nahihiya na ako sa kanya. Iyong tahimik niyang buhay, biglang gumulo dahil sa akin.Sumulyap siya sa akin na may ngiti sa labi. "Ayos lang, Bea. I'm all ears and I'm willing to help you, lalo na ngayon na nagdadalang tao ka, mahirap, kaya tutulong ako hanggang sa makakaya ko. I'm glad nabawi mo 'yong ninakaw sa'yo, pero hindi ka ba nagtataka, Bea?"Alam ko ang iniisip niya, pero hindi ko matanggap. "Alam ko, Xavier," sabi ko at huminga ng malalim.Nahagip ng mata kong tumingin siya sa akin, at puno 'yon ng lungkot. "Hindi mo man lang ba
Last Updated : 2026-04-16 Read more