Sa inis ko, sinampal ko siya, na siya ring ikinagulat ko habang naka-angat ang kamay ko sa ere, hindi makapaniwala na nagawa ko 'yon sa kanya."Rad..." mahinang tawag ko.Akala ko magagalit na siya sa akin at tatalikuran na lang niya ako, pero hindi 'yon ang nangyari, nakangiti siyang tumingin sa akin, hanggang sa kabigin niya ako ng yakap."Grabe namang pampagising 'yon, lakas!" Natutuwa pa niyang sabi, na para bang wala lang sa kanya ang sampal ko. "I know you're jealous, baby, and I'm sorry. Wala naman sa akin si Eunice, it just that namiss ko lang magtrabaho at mamirma ng documents. I can't help it, but... Yeah, I'm sorry that I made you feel that way. Ikaw pa rin ang babaeng mahal na mahal ko, at kahit kailan, hindi sumagi sa isip ko na palitan ka, kahit pa man noong umalis ako."Mahina ko siyang hinampas sa braso. "Ah, kaya ba no'ng pagbalik mo may kasama ka nang Chia? Ganun ba 'yon dapat Mr. Anaji?" puno ng sarkasmong sabi ko. "Tapos malaman-laman ko, engaged na.""It wasn't my
最終更新日 : 2026-04-09 続きを読む