Sabay kaming napatingin ni Nadz kay Kell. "Hindi," sagot ko at hilaw na ngumiti. "Nagbibiro lang si Nadz."Namilog sandali ang bibig niya at tumango. "Oh, I thought... ninong mo."Nadz chuckled. "Hindi, Sir... noon lang."Sinamaan ko siya ng tingin. "Nadia, magtigil ka.""Yes, Ma'am." Sabay bungisngis niya.Nang matapos ang kainan, nagsimula nang magbalikan ang mga tao sa bus. Nakita kong seryosong nag-uusap sina Radleigh at Kell sa labas. I took that chance para pumunta muna sa CR."Nadz, una na kayo sa bus, susunod ako," sabi ko."Sige, teh! Huwag kang magtagal, baka iwan ka!" biro niya.Natagalan ako sa paglalakad dahil maputik ang daan. Kung alam ko lang na maputik dito, eh 'di sana tiniis ko na lang ang ihi ko. Baka kasi iwan nila ako, eh 'di saan ako sasakay? Ni hindi ko alam kung saan 'yong specific na lugar na pupuntahan namin.Nang marating ko ang banyo, nagmamadali akong umihi. Paglabas ko ng CR makalipas ang ilang minuto, halos manlamig ang buong katawan ko. Natanaw kong
Terakhir Diperbarui : 2026-03-28 Baca selengkapnya