Kinabukasan, bago kami lumabas ng kwarto, isinuot na namin ang aming mga bikini. Medyo hindi ako komportable dahil first time ko itong susuotin at gagawin, pero sadyang makulit si Nadz.Kitang-kita ang hugis ng katawan ko sa suot ko, maging ang cleavage ko ay lutang na lutang. And damn, the view down there is... nevermind. Mabuti na lang at nagawa kong pilitin si Nadz na hayaan akong magtapis ng manipis na tela, pero see-through pa rin naman iyon kaya wala ring masyadong pinagkaiba.Pagdating namin sa lobby, kung saan nandoon din ang ibang mga employees ng kumpanya, lahat sila ay napapalingon sa amin. Lalo na ang tatlong lalaki na kasama si Chia.Nakaramdam ako ng hiya. Gusto ko na lang tumakbo pabalik sa kwarto at magpalit."Sabi ko naman sa’yo, agaw-atensyon ka. With your body and face, teh, talo si Chia," bulong sa akin ni Nadz habang taas-noong naglalakad."Tumigil ka nga, gusto ko na ngang umurong. Nahihiya ako, bwisit ka," pabulong kong singhal sa kanya habang pilit na inaay
最終更新日 : 2026-04-03 続きを読む