(Serena’s POV)Akala ko matapos ang sunod-sunod na init na dinulot ng mga gabing iyon, babalik ako sa dati—sa malamig na kontrata, sa kasunduang walang puso, walang emosyon. Ngunit ngayong nakahiga ako, nakapulupot ang kanyang mga braso sa akin, ramdam ko ang bigat ng kanyang paghinga sa aking batok, parang hindi na ito basta kasunduan.Wala na akong takas.Serena Navarro, ano bang pinapasok mo?Sinubukan kong bumangon nang dahan-dahan, ngunit hinila niya ako pabalik, mahigpit na yakap na parang ayaw niya akong pakawalan.“Stay,” garalgal niyang bulong, nakapikit pa ang mga mata.“Damien…” mahina kong tugon. “Kailangan kong bumangon.”“No.” Dumilat siya, diretsong tumingin sa akin. “Not yet. Stay with me.”At sa sandaling iyon, wala na akong nagawa kundi manatili.---Maya-maya, marahang dumulas ang mga labi niya sa aking balikat, pababa sa aking braso. Hindi ito marahas tulad ng kahapon, kundi mabagal, masinsinang paghalik na tila ba sinusulat niya ang pangalan niya sa bawat pulgada
Huling Na-update : 2025-09-05 Magbasa pa