(Serena’s POV)Ilang oras na akong nakaupo sa gilid ng kama, tulala, habang nakatanaw sa malaking bintana ng silid ni Damien. Tahimik ang paligid, ngunit sa loob ko—may unos na hindi ko alam kung paano haharapin.Sa labas, nakikita ko ang lungsod sa gabi: maliwanag, buhay na buhay, parang walang nangyaring bagyo. Pero sa loob ko, parang kagabi lang ako hinila sa apoy, binitawan sa hangin, at ngayon, hindi ko alam kung saan ako babagsak.Tahimik si Damien sa kabilang bahagi ng silid. Nakaupo siya sa sofa, bahagyang nakayuko, hawak ang baso ng whiskey na hindi man lang niya iniinom. Kanina pa siya walang imik—hindi malamig, pero parang pinipigil ang bawat salitang gusto niyang sabihin.Ako rin.“Serena…” Mahina niyang tawag, halos pakiusap.Hindi ako gumalaw.Suminghap siya, parang puno ng bigat ang bawat paghinga. “Please look at me.”Marahang pumihit ang ulo ko, at doon ko nakita ang ekspresyon na hindi ko madalas makita sa kanya—hindi galit, hindi kontrolado, hindi mapanganib… kundi
Last Updated : 2025-10-27 Read more