(Serena’s POV)Tahimik ang gabi. Katatapos lang naming kumain ni Damien, at ngayon ay nakahiga na siya sa kama, hawak-hawak ang isang report habang ako nama’y nakaupo sa gilid, pinagmamasdan siya.Minsan iniisip ko, paano ko napasok ang mundong ito? Ang isang ordinaryong babae, ngayon ay nasa piling ng lalaking tulad ni Damien Cortez—malamig, makapangyarihan, at hindi basta bumibitaw.Pero kasabay ng mga katanungan, ramdam ko rin ang bigat ng panganib. Lalo na kapag naaalala ko ang mga salitang iniwan ni Camille.“Serena…” tawag ni Damien, napansin na nakatitig lang ako. “What’s wrong?”Umiling ako, pinilit ngumiti. “Nothing. Just… thinking.”Tumayo siya at lumapit, tinanggal ang papel sa kanyang kamay at ipinatong sa mesa. Hinawakan niya ang pisngi ko, mariin, parang ayaw niyang may makasingit na kahit anong isipin sa pagitan naming dalawa.“Don’t overthink. Stay with me. That’s all I ask.”Napapikit ako, yumakap sa kanya. Pero kahit anong pilit kong itago, hindi nawawala ang kaba sa
Last Updated : 2025-09-07 Read more