LEOPOLDO"Akala ko ba galit ka?" kunot-noong tanong ni Berting.Pinalo ni Kaloy si Berting sa ulo ng perang hawak niya. "Pera na ito, tatanggi pa ba tayo? Saka kayo na rin nagsabi, wala akong pag-asa kay Tasya lalo na kung ito karibal ko. Kaya magpapaubaya na lang ako kahit masakit," madramang sagot nito at inamoy pa ang bugkos ng perang hawak niya.Napatingin ako kay Jago na ngumisi sa akin. Muli naman akong tumingin sa tatlo na nagkakagulo na sa perang hawak nila."Ikaw bossing Jago? Hindi mo ba crush si Pinang? Crush iyon ni Patrick, kung babayaran mo rin siya, sayong-sayo na rin si Pinang," nakangising alok pa ni Kaloy kay Jago.Kung kaharap siguro ng mga ito si Pinang, baka nabatukan na sila."Masyado akong gwapo. Hindi ko kailangang maghabol sa babae, sila ang humahabol sa akin," mayabang na sagot ni Jago na ikinalukot ng mukha ng tatlo at nag-usap sila na parang walang narinig."Hating kapatid ha, walang lamangan," saad pa ni Patrick."Oo naman kahit na ako lang naman ang nagpa
Huling Na-update : 2025-09-17 Magbasa pa