NATASHABagong araw, bagong pakikipagsapalaran. Gaya ng dati, maaga akong gumising para umangkat ng gulay na aking ititinda. Hindi madali ang magtinda sa palengke pero sanay na ako sa ganitong gawain. Hindi ko naman pinangarap na magtinda na lang habang buhay. Iniisip kong bumalik sa pag-aaral ko, alam kong hindi pa huli para abutin ang pangarap ko. Lalo na ngayong mag-isa na lang ako. Pero sa ngayon, habang hindi pa ako sigurado sa mga plano ko, ipapagpatuloy ko na lang muna ang pagtitinda ko.“Tasyang, pabili nga ako ng tatlong taling sitaw,”masayang bungad ng isa sa mga suki kong si aleng Kony.“Kinse po ang isang tali, bali forty-five lahat.” Nakangiting saad ko habang inaabot sa kanya ang nakasupot na gulay.“Ang ganda mo talagang bata. Dapat sumasali ka sa Ms. Universe,” saad nito na ikinangiti ko na lamang.“Naku, sobra naman yata po iyon. Hindi naman ako ganoon kaganda.”Alam ko namang may hitsura ako pero hindi naman ako kasing ganda ng mga kandidatang sumasali sa beauty cont
Last Updated : 2025-09-10 Read more