TASYAMuntik na akong mabulunan sa sinabi ni Poldo kaya mabilis akong uminom at nilunok ang nasa lalamunan ko hanggang sa mawala ang bara."Teka lang ha," awat ko sa kaniya. Itinaas ko pa ang kamay ko na may hawak na pandesal. "Let's talk now. Sige, aaminin ko. Kilala kita, wala naman akong amnesia para hindi kita makilala. Minsan nang nagtrabaho ang nanay ko sa mansyon ninyo. Alam ko rin na ikaw iyong lalaking nagbayad sa akin ng malaking halaga pero nagkunwari akong walang alam dahil hindi ko alam kung bakit bigla ka na lang sumulpot ulit. Ibig sabihin din ikaw ang ama ng anak ko, pero hindi ibig sabihin noon na magpapakasal tayong dalawa. Wala naman tayong relasyon, nabuntis mo lang ako," mahabang paliwanag ko sa kaniya.Alam ko naman talaga ang lahat. Sinasakyan ko lang ang pagpapanggap niyang mahirap. Pero nagdududa na talaga ako kung bakit bigla siyang sumulpot sa buhay ko."So, let me court you first then."Umiling ako sa kaniya."Hindi kita inoobliga na panagutan ako. Mas mabu
Last Updated : 2025-09-19 Read more