"Let me the one who tells everything to Leandro, Gigi. Kung ayaw ka niyang pakinggan, then ako ang magpapaliwang sa kaniya ng lahat," sabi ni Steven nang sabihin ko sa kanila ang nangyaring pag-uusap namin ni Leandro no'ng isang gabi."I just need your permission, Gigi. Naniniwala ako na makikinig siya sa akin." Dagdag pa niya."Yes, because Leon needs him. Naaawa na ako sa pamangkin ko, girl!" sabi naman ni Trina at napairap pa sa akin.Sandali naman akong napakagat sa labi ko dahil parehas sila ni Lukas na sinasabing opinyon. Napabuntonghininga naman ako at dahan-dahan na napatango. Tama sila. Hindi ko dapat isali ang sarili kong nararamdaman dito at mas kailangan kong isipin ang anak ko."Fine, papayag na ako," sagot ko. "Pero isang beses niya lang pagdudahan si Leon ay hindi ko na siya bibigyan pa ng pangalawang pagkakataon na makilala ang anak niya."Dahil sa galit ni Leandro sa akin at sa maling paniniwala niya ay sigurado akong iba ang iisipin niya kay Leon.Pinaubaya ko kay St
Read more