"Wala kang mapapala sa amin kaya kung ako sa'yo, umalis kana."Napailing ako at nanatiling nakatitig sa lalaking nagsalita. Nandito na ako ngayon sa presinto kung saan nakakulong ang dalawang salarin sa pagsunog sa bahay namin. Kanina ko pa rin sila tinatanong kung sino ang nag-utos sa kanila na gawin 'yon, pero isa sa kanila ay hindi ko mapaamin at palaging gano'n ang sagot sa akin."Kung hindi kayo makikipag-cooperate ay baka matagalan pa kayo d'yan. Kaya kung ako sa inyo ay sabihin niyo na lang kung sino ang nag-utos sa inyo!" sunod-sunod kong sabi at halos magmakaawa na ako sa boses ko.Natawa naman ang isang lalaki habang nakasandal sa pader at tamad na sumulyap sa akin."Sa tingin mo miss, ipapahamak namin ang pamilya namin para lang sa'yo?" tanong niya at muling natawa ng sarkastiko.Bahagya naman nanlaki ang mga mata ko at napaayos sa pagkakatayo dahil sa sinabi niya. Ramdam ko rin ang pagkalabog ng puso ko dahil possible na tinatakot sila ng taong nasa likod nitong lahat."Ib
Last Updated : 2025-12-08 Read more