CHAPTER 130Mabilis lang ang oras sa maghapon na 'yon at nang maggabi na ay tsaka kami nag-prepare para sa yacht party. Ang mga kaibigan ni Trina ang nagplano para sa mga games at naroon din si Nancy dahil magkaka-schoolmates pala sila noon.Nagsuot lang ako ng simpleng white lace tube dress na kadalasan kong nakikitang outfit sa mga yacht party. Sabay kaming nagpunta si Lukas doon at habang naglalakad kami ay kinukwento niya sa akin kung paano siya kabilis na-follow back ni Maggie sa socials siya."So, we really need to take a picture na magkasama and you should post it para magselos siya," sabi ko habang natatawa."Baliw! Baka mas lalo akong mawalan ng pag-asa na makipagbalikan sa kaniya," sabi niya at agad na lumayo sa akin kaya mas lalo akong natawa."Akala ko ba ipapakita mo sa kaniya ang sinayang niya?" patuloy ko. "Let's just see kung magseselos ba siya."Bumaling naman siya nang tingin sa akin at bahagya pa akong tinaasan ng kilay. "Papayag ako na gawin 'yan kung papayag ka ri
Read more