Kalahating buwan ang lumipas simula nang mawala si Lola, pero para sa akin ay parang kahapon lang nangyari ang lahat. Lahat ng masasayang alaala ni lola ay palagi ko pa ring naiisip, at hindi mawala sa puso ko ang sakit sa puso ko dahil sa pagkawala niya. Gano'n naman talaga siguro ang buhay. Kailangan ko pa rin umusad kahit mahirap, dahil alam kong 'yon ang gusto niya para sa akin. Hindi pwedeng mag-stay lang ako sa isang kwarto para magmukmok dahil may mga taong naghihintay sa akin. Mga taong umaasa sa pag-usad ko, at mga taong nagpapakatatag din para sa akin. Tinulungan ko ang pamilya ni Trina na makaahon muli mula sa trahedyang nangyari sa amin. Patuloy pa rin ang pag-build sa small business ko, at kapag nakikita ko ang progress nito ay nakakaramdam ako ng pag-asa. Pag-asa na ipagpatuloy ko ang pangarap na nasimulan ko kahit na wala na si lola. Pero kahit na pilit akong bumabangon ay hindi pa rin nawawala ang galit ko. Pakiramdam ko nga ay galit na lang ang bumubuhay sa puso ko
Last Updated : 2025-11-05 Read more