Chapter 46 – The Enemy Strikes BackMaagang gumising si Celine kinabukasan. Kahit pagod pa ang katawan, hindi niya maiwasang kabahan sa dami ng iniisip. Naroon pa rin ang video na hawak nila laban kay Valeria, pero alam niyang hindi ganoon kasimple ang lahat. Ang babaeng iyon, hindi titigil hangga’t hindi sila wasak.Nasa veranda siya, hawak ang tasa ng kape, habang pinagmamasdan ang papasibol na araw. Tahimik lang siya nang biglang lumabas si Liam mula sa loob, suot ang simpleng white shirt at sweatpants. Para sa isang CEO, sobrang simple pero nakakabighani pa rin.“Good morning,” bati nito sabay halik sa pisngi niya.“Morning,” sagot niya, pilit na ngumiti.Napansin ni Liam ang lungkot sa mga mata niya. “Hey… stop overthinking. We’ll get through this.”“Alam ko,” sagot niya. “Pero hindi mo kasi naiintindihan… si Valeria, parang wala siyang boundaries. She’ll do everything, Liam. Everything.”Humigpit ang hawak ni Liam
Last Updated : 2025-09-05 Read more