Chapter 21 – The Unexpected Warmth Kinabukasan, parang may kakaibang ginhawa sa gising ni Celine. Hindi niya alam kung dahil sa sariwang hangin ng probinsya, o dahil sa mga salitang iniwan ni Liam kagabi. Hindi niya pa rin makalimutan ang simpleng halik nito sa noo niya. Sobrang simple lang, pero bakit parang buong mundo ko umikot? Paglabas niya ng kwarto, narinig niya ang mga pinsan ni Liam na nag-uusap. “Uy, did you see them last night? Parang may something na talaga,” bulong ng isa. “True. Si Liam na nga ‘yung hindi marunong ngumiti dati, pero ngayon, parang lagi siyang nakangiti kapag si Celine ang kasama.” Namula si Celine, kaya dali-dali siyang dumiretso sa kusina, kunyari walang narinig. Doon niya nakita si Liam, nakasuot lang ng plain white shirt at jeans, at nag-aayos ng kape. “Good morning,” bati nito, at this time, may kasamang small smile na naman. “Good morning,” balik niya, pero napansin niyang hindi na siya kagaya ng dati na mailap. Somehow, parang nasasanay na s
Last Updated : 2025-09-04 Read more