Mahirap kalaban ang first love. Lalo na kung sa kaniya mo ginawa lahat ng una sa buhay mo. At sa tingin ko gano'n si William, kaya hindi niya mabitaw bitawan si Jessica, dahil sa kaniya niya na experience ang una niya sa lahat.Kaya rin siguro kahit na alam ko ng niloloko ako, hindi pa rin ako bumibitaw. Kasi tanga ako. Kasi umaasa pa ako sa bagay na alam kong impossible. Umaasa ako na mababaling din sa akin ang pagmamahal niya.Kaya hindi ko masisisi ang mga kagaya kong babae na hindi maka wala-wala sa mga cheater nilang boyfriend. Kasi bukod sa mahal nila, sa boyfriend lang nila naramdaman ang bagay na matagal na nilang gustong maramdaman. Kaya sila nagpapakatanga.Kaya kami nagpapakatanga.Kaya pumayag kami sa less na binibigay nila. Ang mahalaga, sa amin pa rin sila umuuwi.Pero nakakapagod din. Malapit na akong sumuko. Sa tuwing wala siya sa tabi ko, marami ng pumapasok sa isip ko. Kung gaano siya kasaya kasama ng iba. Kung paano niya nagagawang sabihin na ayos lang ang lahat kah
Last Updated : 2025-09-21 Read more