Hindi na ako nagtaka sa kamalditahan ni Jaia na pinakita kanina sa loob ng jewelry store. Ang kinababahala ko lang ay ang sinabi niya na may kaya ako.Paniniwalaan kaya siya? I wish not."Nako, nakakainit sila ng ulo. Sarap balatan ng buhay iyang hilaw mong biyenan. Kaloka!" Huminto siya sa paglalakad ng medyo malayo layo na kami pagkatapos ay hinarap niya ako. "Next time ah Aga. Next time na saktan ka ng kahit na sino sa kanila. Tawagan mo ako, pupuntahan kita kahit nasaan ka pa...." Naiinis pa rin na sabi niya.Pinalobo niya ang bibig niya at minsanan binuga ang hangin bago ngumti sa akin. Ginagawa niya iyon tuwing pinapakalma ang sarili."Hayaan na nga lang natin sila. Let's enjoy this day. Don't let them ruin our date....." Dagdag pa niya."You are right. So, icecream?" Nginuso ko ang ice cream store na napansin ko kanina pa.Lumawak ang ngiti niya at para kaming mga bata na nag unahan patakbo sa loob ng ice cream store."Two orders of cookies and cream ice cream!" "Two orders o
Last Updated : 2025-10-27 Read more