Lahat gagawin ni Agatha upang mapalapit siya kay William Mercado, ang milyonaryo na CEO ng Mercado Reality Service. Sampung taon na siya na lihim na nagkakagusto sa binata kaya naman nagpanggap siyang mahirap upang mag apply ng janitress sa kompanya niya. Ngunit sadya yata na umaayon sa kaniya ang tadhana dahil inalok siya nito ng kontrata ng kasal at sinabi na aanakan siya ng binata, sino ba naman siya para tumanggi gayon ito naman ang gusto niya ang maging ganap na asawa ng binata. Sadyang mapaglaro ang tadhana dahil kung kailan kasal na si William ay tiyaka naman bumalik ang first love niyang si Jessica Miranda, ang babaeng pinangakoan niya na uunahin niya sa lahat ng bagay, kahit pa sa kaniyang asawa. Ngunit ang aksyon niyang ‘yon ang magiging dahilan upang ang pagmamahal na nararamdaman ni Agatha ay unti-unting maglaho. Kakayanin kaya ni Agatha ang pinaparamdam na sakit ni William sa kaniya? Mare-realize kaya ni William ang pagkakamali niya o tuloyan mawawala sa kaniya si Agatha? Kayanin kaya ni Agatha na manatili sa tabi ni William at paibigin ito gaya ng plano niya o tuloyan na siyang sumuko at bumalik sa dati niyang buhay?
View More"Kasama sa kontrata ang pagbibigay mo sa akin ng anak, mas maganda kung lalaki ang magawa natin. Sampung milyon kapag babae, benteng milyon kapag lalaki. Iba pa ang limang milyon na ibabayad ko sayo ngayon para sa kontrata ng kasal natin." Tuloy-tuloy na pagsasalita ni William Mercado.
"Kailangan natin mabigyan ng apo ang mga magulang ko as soon as possible. Matagal na nila itong hinihiling sa'kin. Tiyaka ibibigay lang sa'kin ang kompanya kapag binigyan ko na sila ng apo. After maibigay sa'kin, maari na tayong maghiwalay pero--" huminto siya bago ako seryoso na tinitigan. "Maiiwan sa'kin ang bata. Ako ang mag-aalaga sa kaniya, maari kang bumalik sa dati mong buhay pagkatapos ng kontrata mo sa'kin." Nakaramdam ako ng labis na kalungkotan. Wala pa naman 'yon bata pero nasasaktan na ako sa isipan na iiwan ko siya sa ama niya. Pikit-mata akong sumang ayon sa lahat ng kondisyon niya. "Sige, pero may isa rin akong kondisyon...." Sabi ko. Nakita ko ang pagkunot ng noo niya bago tumango. "Sure, ano ang kondisyon mo?" "Hindi ka magtatanong tungkol sa personal na buhay ko....." Sabi ko. Mahirap na. Baka pagkatapos ng kontrata na ito bigla ko na lang siya makita sa harap ng bahay ko, karga ang anak namin at sasabihin na miss na niya ako at bumalik na ako sa piling niya.... Luhhh? Advance mag-isip. "Iyon lang ba?" Bored na tanong niya, tumango ako. "Sige, pirmahan mo na." Utos niya bago nilahad ang mga papel sa harap ko. Ang isa ay ang kontrata ng kasal. Ang isa namn ay kontrata ng kasunduan namin, ang iba naman ay ang magiging copy namin na mapupunta sa'min. Napalunok muna ako bago pirmahan ito. "Kailangan mong lumipat sa bahay ko mula ngayon, magsasama na tayo sa iisang bubong." Sabi niya habang tinititigan ang papel na pareho kaming may pirma. "Agad-agad?" Hindi makapaniwala na tanong ko. "Yes!" Sagot niya bago tumayo sa kaniyang executive chair. Lumapit siya sa glass wall kung saan makikita ang mga bahay at ang kalsada sa ibaba. Nasa seventeenth floor kami ngayon. Kaya ng lumapit ako at tumabi sa kaniya upang makitanaw ay nalilo ako sa taas kaya umatras na lang ako. "Hindi mo na kailangan magdala ng gamit mo, halata naman na hindi mo afford ang mamahalin gamit kaya ibibilhan kita." Kapansin-pansin ang magandang postura niya mula sa likod. Kahit nakatalikod, mapapansin pa rin na maganda siyang lalaki. Pak! Ang pwet, tambok! Sarap pisilin. Fit na fit ang suot niyang suit, bumagay sa gwapo niyang mukha. May pagka mysteryoso si William, kung titignan mo siya para siyang masungit. Nakakatakot ang presensya niya, titig pa lang niya matatakot ka na pero sa kabilang banda, nakakalaglag panty ang titig niya. "Naintindihan mo ba?" Nagulat ako ng mapansin nasa harap ko na siya. Ilang beses akong napapikit. Ang bilis naman niyang gumalaw, kanina lang nasa may tabi siya ng glass wall ah. "Bakit ka nakatitig sa pwet ko?" Inis na tanong niya. "Pinagnanasahan mo ba ako?" "Bakit ko naman tititigan ang matambok mong pwet?" Mabilis na sagot ko na siya rin naman pinagsisihan ko sa huli. Shit! Pahamak na bibig. "Paano mo nasabi na matambok kung hindi ka nakatitig?" Muli ay tanong niya, kuminang ang mata niya at nagkaroon ng kaunting ngisi ang labi niya. Napa atras ako ng bigla siyang lumapit sa'kin. "Wala naman akong sinabi na matambok ah." Pagsisinungaling ko bago tumalikod. Tatakas na sana ako ng bigla niyang ipulupot ang kamay niya sa bewang ko at pinaharap sa kaniya. Nang magsalubong ang mata namin ay malawak na ang ngisi sa labi niya. "Saan ka pupunta?" Malalim ang boses na tanong niya. Ramdam ko ang kaba. Kanina lang nilalamig ako sa lamig dahil sa aircon, ngayon naman bigla akong pinagpawisan ng hindi ko maintindihan ang dahilan. "B-Bitawan mo nga ako." Umiwas ako ng tingin. Nakakahiya, ang lapit niya. Lihim kong inamoy ang sarili ko. Ew! Amoy bungang araw, babad kasi ako kanina sa labas bago ako mapadpad dito. Naghahanap pa ako sa iba ng maaaring pagtrabauhan. Nandito ako para mag apply ng janitress pero ang ending kasal ang inalok sa'kin. "Bakit ko gagawin 'yon? Kasal naman na tayo, may karapatan na akong hawakan ka." Pilyong sagot niya. Nanlaki ang mga mata ko. Sinubukan ko siyang itulak gamit ang kamay ko sa dibdib niya pero napahinto rin ng maramdaman sobrang tigas nito. "Kasal?" Hindi makapaniwala na tanong ko. "Yes! Kasal, Agatha Mercado!" Banggit niya sa pangalan ko, kinalibotan ako ng idagdag niya ang last name niya. "Oo na. Bitaw na." Nahihiyang saad ko. Imbis na sundin ay mas lumapit pa siya sa'kin. "Paano kung ayaw ko? Anong gagawin mo?" Mariin akong napapikit. Halata naman kasi na inaasar lang niya ako eh. Baliw yata ang lalaking ito. "Sisigaw ako!" Matapang na sagot ko bago siya tinitigan. Mas kuminang pa ang mga mata niya sa tuwa. Ganito ba talaga ang lalaking ito? Parang baliw, sayang saya siya dyan eh wala naman nakakatawa. "Sa tingin mo may papasok dito?" Binasa niya ang labi niya gamit ang kaniyang mahaba at namumulang dila. Napalunok na lang ako, ang haba ng dila niya. Tapos ang sarap ng labi niya, para itong strawberry sa sobrang pula, lalo na ng kagatin pa niya ito sa harap ko. Para niya akong inaakit. Lumamlam tuloy ang mga mata ko, gusto ko siyang sunggaban ng halik. Mag-asawa naman na kami diba? Ibig sabihin pwede ko n gawin lahat ng--- my god! Anong iniiisip ko? "Agatha!" Malambing na tawag niya sa pangalan ko. Para talaga niya akong inaakit. Nang mas ilapit pa niya ang mukha niya sa akin ay hindi na ako umatras. Tuluyan na akong napapikit ng magdikit ang ilong namin. Ilang minuto akong naghintay na maglapad ang labi namin pero napamulat ako ng bumulalas siya ng tawa. "HAHAHAH! You like me to kiss you?" Inis kong pinalo ang matigas niyang dibdib. Bwesit! Paasa! "Hindi no!" Tanggi ko, kahit ang totoo ang umasa akong hahalikan niya ako. Na gusto ko rin na halikan niya ako. Namula ako sa hiya. Bakit ba kasi ang bilis kong natukso? Tinawag lang ang pangalan ko ng palambing, bibigay na. Argh! Kainis. Halos mamatay na ito sa tawa, humawak pa ito sa tiyan niya. Nang mahimasmasan ay tumingin siya sa akin at tinapik ang balikat ko. "Sabihin mo lang kung gusto mo, ibibigay ko naman asawa ko!" Nakangiting sambit niya bago ako lagpasan at bumalik sa kaniyang executive chair. Nakakainis! Humanda ka sa'kin, babawi ako!Kanina pa ako pabalik balik sa kwarto namin ni William. Pagkatapos namin kumain ay naligo agad siya, ang sabi niya mamaya niya sasabihin ang gusto niyang sabihin.Naiinis ako dahil pinapatagal pa niya. Pwede naman na niyang sabihin kanina habang kumakain kami, bakit kailangan ngayon pa? Kinakabahan tuloy ako.Kung ano-ano na ang pumapasok sa isip ko. Paano kung sabihin niyang tigilan na namin itong set up na ito? O di kaya, what if bumalik na si Jessica galing Paris at magsasama na sila?Ang sabi sa'kin ng mama niya, matagal ng hinihintay ni William ang first love niya. Pero tuwing magkasama naman kami ni William parang wala siyang hinihintay, parang in love naman siya sa'kin.Or am I being delusional because I love him?Humiga na ako sa kama. Ang tagal naman niyang maligo, sa sobrang paghihintay ko, nakatulogan ko na lang siya.Umaga na ng magising ako at wala na siya sa tabi ko. Nakakainis, napagod kasi ako sa pamamasyal namin ni Tita Wilma.Mabilis kong kinuha ang cellphone ko sa t
"Ayaw mo ng isang Bilyon? Sige, gagawin kong kinseng bilyon hija, layuan mo si William."Biglang sinuntok ng malakas ang dibdib ko sa binitawan na salita ni Mrs. Mercado na siyang dahilan ng pagtulala ko at paninikip ng dibdib ko."M-Ma'am, hindi ko po kailangan ng pera niyo." Kahit na kinakabahan ay naging mahinahon pa rin ako.Kailangan ko lang ipaintindi sa kaniya na, hindi nasusukat ng gaano kalaki na pera ang nararamdaman ko para sa anak niya. Yes, we're married because of contract, but my feelings to William is real."Really? Alam ko na kinasal lang kayo ng anak ko dahil sa kagustuhan namin. Pagpapanggap lang ang lahat ng ito, bakit hindi ka pa umamin hija? I'll give you a chance to be a billionaire....""Nagkakamali po kayo...." Napa buntong hininga ako, this time tinignan ko na siya diretso sa mata niya. "Nagmamahalan po kami ni William, wala pong pagpapanggap na nagaganap dito. Lahat po ng ginagawa namin ay totoo." Pagpapaliwanag ko.Hindi ako magpapatalo sa kaniya. Kung kina
"Hhmmm... Ang sarap!"Natutuwa ako habang pinapanood si William habang sarap na sarap sa niluto ko."Ahhh," dagdag pa niya bago tinapat sa bibig ko ang shrimp na nabalatan na. "Sarap, diba?""Uhmm ahmmm...." Sambit ko habang nginunguya ang sinubo niya.Muli ko siyang tinitigan. Ang totoo niyan kanina pa ako hindi mapakali.Should I tell him?Kinakabahan ako. Mamayang alas tres magkikita kami ng mama niya. Never ko pa itong nakita, kaya naman medyo kinakabahan ako."Maganda ba ang suot ko?" Tanong ko sa kaniya pagkatapos kong lunokin ang sinubo niya.Ilang beses siyang tumango. Pinasadan niya ako ng tingin bago ako tinitigan."Yes baby, ang ganda ng suot mo pero mas maganda ka...." Sabi niya bago muling kumain.Hindi ko naiwasan na mapabuntong hininga. Hindi ko kasi alam kung nagsasabi siya ng totoo eh."Seryoso, William, maganda ba? Hindi ba sobrang ikli ng dress? Kailangan ko bang mag jacket dahil nakikita ang kili-kili at likod ko?"Uminom siya ng tubig ng mapansin na na aligaga na
"Wow ang ganda, ito magiging bahay natin?" Maihahalintulad sa mga bituin sa langit ang kinang at paglaki ng mga mata ko ng tuloyan na kaming nakarating sa bahay na regalo ng magulang ni William.Hindi ko pa sila nakikita pero mahal ko na agad sila. Sisiguraduhin ko na magiging mabuti akong asawa sa anak nila."Ang laki." Dagdag komento ko pa bago pinagmasdan ang maigi ang magiging tahanan namin ni William."Not really!" Bored na sambit niya bago hinawakan ang kamay ko. "Let's go inside, ang hamog na dito sa labas." Sabi niya bago ako hinatak papasok sa loob.Tama nga naman siya, hindi ito kasing laki ng penthouse niya pero masasabi ko na malaki ang bahay para sa dalawang tao. May isang Master bedroom, dalawang bedroom, at dalawang guest room sa second floor. Sa ground floor naman ay may malawak na living room, dining room, kusina at sa ilalim ng hagdan nakalagay ang office room.May mini garden at Gazebo lang naman sa gilid ng bahay at sa likod naman ng bahay ay malawak na swimming po
"Narinig ko ang boses ni Francisca ah." Salubong ni William ng makapasok ako sa opisina niya.Tumaas ang isang kilay ko. Busy na siya ngayon sa mga folder sa harap niya."Sino ba 'yon? Bakit ang arte at maldita, hindi ko nga pinapasok dito. Ayaw ko sa attitude niya." Pag-amin ko.Nakita ko ang panandalian pagsulyap niya sa'kin bago bumalik sa folder ang attention niya."Alright! Kumain ka na Agatha habang mainit pa ang pagkain." Utos niya sa'kin.Umupo ako sa visitor chair. "Ikaw? Kumain ka na?" Tanong ko sa kaniya."Hindi pa. Mamaya na--" natigil siya ng bigla ko isara ang folder na binabasa niya."Sabay na tayo kumain, mamaya na 'yan!" Sabi ko bago tumayo at naglakad sa papunta sa gilid kung saan may mini sala doon.May lamesa at mahabang sofa, tapos ay may dalawang single sofa na magkaharap. Nasa gitna ng lamesa ang mga pagkain na binili namin kanina.Narinig ko ang paggalaw niya. Napangiti na lang ako habang nilalabas ang pagkain na binili namin sa Jollibee. Ito kasi ang request k
"Nakakainis ka!" Reklamo ko.Pa'no, hindi lang kami naka apat na round kundi naka pito kami. Umaga na nga yata kami natapos, tapos ng magising ako ang taas ng lagnat ko tapos hindi ako makagalaw.Ang ending, na hospital ako. Ngayon ang pang dalawang linggo ko sa hospital at ngayon na din niya ako sinundo."Pwede na ulit?" Natatawang sabi niya habang palabas kami ng hospital.Inis kong pinalo ang matigas niyang braso. "Magtigil ka, ayaw ko pa na bumalik sa hospital. Utang na loob William, kakalabas ko lang."Pumasok na ako sa kotse niya pagkatapos niya akong pagbuksan ng pinto. Panandalian pa akong nanigas ng yumuko siya upang siya ang maglagay ng seatbelt ko."William!" Galit na tawag ko sa pangalan niya ng nakawan niya ako ng halik.Narinig ko pa ang pagtawa niya habang sinasara ang pinto. Tumaas ang isang kilay ko ng makita ang hindi nawala-wala na malaking ngisi sa labi niya."Diretso tayo sa kompanya, marami akong naiwan na trabaho." Sambit niya pagkapasok ng kotse."Huh? Paano ak
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments