“...ANONG GAGAWIN MO?”Nanigas si Cassidy, at bahagyang namuo ang luha sa kanyang mga mata. “H-hindi ko alam…” Mapait na natawa si Seth, tila minamaliit ang sarili. Dapat pa lang noon niya na-realize—tatlong taon na ang lumipas pero si Damion pa rin ang laman ng puso ni Cassidy. Wala nang iba.Sumandal si Cassidy sa kanya, halatang naguguluhan. Kagat ang ibabang labi, sandali siyang natahimik bago marahang nagsalita, “Seth… sabi ni Damion, hindi raw muna siya makakapunta rito. Alam mo ba kung bakit?”Hindi agad sumagot si Seth, bagkus ay tinanong ito, “Didn’t he tell you?”“Hindi…” Umiling siya. “Sabi lang niya, abala siya nitong mga araw na ‘to. Gusto ko sanang tanungin kung ano’ng pinagkakaabalahan niya, pero natatakot akong magalit siya. Seth, pwede mo bang sabihin sa’kin kung ano’ng pinagkakaabalahan ni Damion?”Nagtagpo ang tingin nila ni Seth at kahit gustuhin niyang magsinungaling, hindi niya magawa. Kaya sa huli, pinili niyang sabihin ang totoo.“Cassy… ayaw talaga sa’yo ni Ti
Terakhir Diperbarui : 2025-11-10 Baca selengkapnya