“TITO, I WANT TO SAY THAT, DAMION AND I ALREADY AGREED TO CALL OFF THE ENGAGEMENT.”Tahimik ang buong kwarto. Walang gumalaw, walang nagsalita.Unti-unting nanigas ang ekspresyon ni Alejandro, tila hindi makapaniwala sa narinig. “A-Anong… sinabi mo, hija?”Nanatiling tahimik si Damion, nakatayo sa tabi, malamig ang tingin na para bang hindi siya mismo ang may kagustuhan ng lahat ng ito.“Damion…” tawag ni Alejandro, halatang gulong-gulo. “Totoo ba ‘to, hijo?”Napaangat ng ulo si Czarina, napapitlag, at napatingin kay Damion. Hindi niya inaasahan na sa mismong sandaling iyon ay nakatitig din pala ito sa kanya.Sandaling nagtagpo ang kanilang mga mata—mga matang dati ay puno ng pagmamahal, pero ngayon ay malamig at walang emosyon. Agad siyang umiwas ng tingin, mahigpit ang kapit sa strap ng bag na hawak, pilit pinipigilan ang panginginig ng kanyang kamay.Tahimik si Damion ng ilang segundo. Kita sa kanyang mukha ang pagpipigil, pero sa likod ng malamig na tinig niya ay ramdam ang bigat n
최신 업데이트 : 2025-11-02 더 보기