SAMANTALA, tahimik na lumabas si Czarina mula sa banyo. Napatingin siya sa direksyon ni Damion na nakatayo sa balkonahe, ang anyo nito ay puno ng lungkot at tila ba may dinadalang bigat.“Damion…” mahina niyang tawag.Agad siyang nilingon nito, pinawi ang lamig sa mukha at tinanong nang mahinahon, “Are you ready?”Bahagya siyang tumango, ramdam ang bigat sa isip nito ngunit piniling manahimik.Hinawakan ni Damion ang kamay niya at marahang hinila palabas. Napatingin si Czarina sa mainit at pamilyar na haplos—may halong kaba at saya.“Totoo ba ‘to? O panaginip lang?”Pagbaba nila, sinalubong sila ni Alejandro, na nakangiti habang nakatingin sa kanilang magkahawak na kamay.“Zari,” he said with a teasing smile, “Saan kayo pupunta ng ganitong kaaga?”Napatingin si Czarina kay Damion, tila humihingi ng tulong. Agad itong sumagot, “I’ll take her out for a walk, Dad. Para makalanghap ng hangin.”Tumango si Alejandro, nakangiti pa rin. “That’s good, that’s good. Hindi pa masyadong nakakalabas
최신 업데이트 : 2025-11-13 더 보기