“DOES THAT MEAN, GAGAWIN MO AKONG KABIT MO?”Napaigtad si Charles, halatang nabigla sa tanong ni Czarina, pero agad din itong kumalma, pilit na pinapakita ang malambing na anyo. “How could you say that, Zari? Ikaw itong mahal ko. At kahit na pakasalan ko si Monique, ikaw pa rin ang tinitibok ng puso ko.”Napahagalpak ng tawa si Czarina—isang mapait na tawa na tila may kasamang galit at panghihinayang. Tinitigan niya si Charles mula ulo hanggang paa, parang ngayon lang niya talaga ito nakilala. Dalawang taon silang magkasintahan, pero ngayon lang niya nakita ang tunay na kulay ng lalaki.“You make me sick, Navarro,” diin niyang saad. “Matagal na tayong tapos, kaya pwede ba? Stay. Away. From. Me. The farther, the better.”Tumalikod siya at mabilis na naglakad palayo, ramdam ang gaan ng dibdib matapos siyang makawala sa ilusyon na minsan ay tinawag niyang pag-ibig. Kahit gaano kahirap pakitunguhan si Damion, he was still a hundred times better than Charles.Bigla siyang napahinto. “Wait—
Last Updated : 2025-10-02 Read more