DINALA SI Czarina ng isang maid sa guest room para makapagpalit ng damit. Pero dahil naman niyang may sama ng loob sa kanya si Ysabel, kaya bago pa man niya isuot ang damit, sinuri muna niya nang mabuti—mula sa mga tahi, bulsa, hanggang sa lining. Nang wala siyang nakitang kakaiba, saka lang siya nagpalit.Pagbaba niya, sakto namang nilapitan siya ni Damion, halatang nag-aalala.“There you are,” agad nitong sabi, habang mabilis na lumapit at pinulupot ang braso siya sa bewang. “Saan ka galing? At bakit ka nagpalit ng damit?”Sanay na si Czarina sa pagiging touchy ni Damion, pero kahit na gano’n, hindi pa rin niya maiwasang kabahan tuwing ginagawa nito ’yon.“It’s nothing,” sabi niya, iwas tingin. “Nabuhusan ko lang ng wine ’yong dress ko, kaya nagpalit ako.”Hindi na niya binanggit ang tungkol kay Ysabel. Kung titigil naman na ang babae sa gulo, ayaw na rin niyang palakihin pa.Tumango si Damion. “Alright. Bored ka na ba?”Medyo napabuntong-hininga si Czarina. “A bit. Wala naman akong
Huling Na-update : 2025-10-06 Magbasa pa