“SHE’S STILL YOUR FIANCE!”Nanahimik si Damion, napahalukipkip sa kinauupuan nito, pero halata sa mga mata niya ang pagkasuklam habang tinitignan si Czarina.“So ganito pala ang paraan ng babaeng ‘to para pag-awayin kaming mag-ama? Galing ha.”Muli niyang sinulyapan ng masama si Czarina, bago tumalikod at dumiretsong umupo sa dining table, walang imik.Ramdam ni Czarina ang matalim na tingin nito pero hindi na lang niya pinansin.“I… I was hungry kanina, and nakain ko yata ‘yong peanuts, kaya ganito po itsura ko,” mahina niyang sabi kay Alejandro, nahihiya. “Pa, baka po natakot kayo. Siguro mas mabuti kung sa kwarto na lang ako kakain?”Habang nagsasalita, kinakabahan siya. “Sana pumayag si Papa… please, ayoko nang makasabay si Damion!” dasal niya sa kanyang utak.Pero agad na umiling si Alejandro, seryoso ang tono. “Ano’ng nakakahiya ro’n? Allergy lang ‘yan, mawawala rin sa ilang araw. Halika na, kumain ka rito. Mamaya ay dadalhin kita sa ospital para mapatingin rin iyan. Kumain muna
Last Updated : 2025-10-08 Read more