“THANK YOU FOR YOUR SUPPORT.”Tinapik ni Czarina ang baywang ni Wendy. “Kung gusto mo akong pasalamatan, ituwid mo ang likod mo at ipakita ang tapang at kumpiyansa mo!”“Good! Kung makikipag-date ka ulit kay Mr. Garcia, kakabahan ka pa ba?”“Hindi na!”“Sa tingin mo, hindi ka karapat-dapat sa kanya?”“I am worthy of him!”“Yes! Very good!”Kakasimula pa lang magsalita ni Czarina nang may kumatok sa pinto.“Come in.”Bumukas ang pinto at sumilip si Mr. Garcia. “Anong pinag-uusapan niyo? Rinig kayo sa hallway.”Pagkakita pa lang sa lalaki, agad na nawala ang kumpiyansa ni Wendy.Nang makita ang pagbabago sa kaibigan, gusto na lang mag-facepalm ni Czarina.Hay, wala na talagang pag-asa ’to!Napabuntong-hininga siya bago ngumiti kay Mr. Garcia. “Wala naman. I was just cheering Wenwen up. By the way, nandito ka para makita siya kasi…?”“I promised to teach her how to make sculptures, but I’ve been busy at the studio. May free time ako ngayon, kaya gusto kong malaman kung interesado pa rin
Read more