FRIDAY NIGHT, nang dalawin ni Wendy ang kaibigan nitong si Czarina, marami itong dalang pagkain—galing Ilocos, Pampanga, at Baguio City—na binili niya sa recent work trip niya.Ilang linggo na ring hindi nakadalaw si Damion dahil sa tambak nitong trabaho. Pero kahit gano’n, hindi ito nakakalimot—palaging may pinapadalang pagkain, laruan, at learning supplies para sa mga batang nasa bahay-ampunan. Alam niyang napamahal na kay Czarina ang mga bata, kaya ginagawa niya ang lahat… kahit hindi siya ang pinapansin.Nang malaman iyon ni Wendy, napabuga siya ng hangin. “Grabe na effort no’n, pero dedma ka pa rin?”“Oo,” kalmadong sagot ni Czarina habang inaayos ang mga bulaklak na binili nila sa market.Tinaasan siya ng kilay ni Wendy.“Hey, what kind of look is that? Hindi ka naniniwala?” Bahagyang napairap si Czarina. “Please. May salamat na ang pagitan namin ni Damion. There’s no way we can be together again. Ngayon, hindi pa lang siya sumusuko, kaya kung anu-anong paraan ang ginagawa niya.
続きを読む