“...THAT A DOCTOR CONFIRMED A DIAGNOSIS?”Naalarma si Cassidy pero hindi niya iyon pinakita kay Damion. Napakunot siya ng noo, kunyari’y nagtataka. “Hindi mo ba sinabi ‘yon? Baka mali lang pagkakaalala ko. Alam mo namang puro mental health ang naging usapan natin nitong nagdaang araw,” wika niya, pilit tumawa. “And I feel like I’m going to have a breakdown.”Tumingin si Damion kay Cassidy, may bahagyang ngiti sa kanyang labi. “If you don’t like it, let’s not talk. Kumain na lang tayo.”“Okay,” sagot ni Cassidy, at hindi na nagpatumpik-tumpik. Ngunit ang paborito niyang pagkain ay biglang nawalan ng lasa.Pakiramdam ni Cassidy ay sinusubok siya ni Damion, pero nang tignan niya ang mga mata nito, banayad at kalmado lang, walang bahid ng galit o panlilinlang.“Nag-ooverthink lang ako,” she told herself. Sinabi sa kanya ni Seth na maayos naman ang lahat. Baka mali lang talaga ang iniisip niya.Pagkatapos ng hapunang walang saya, bumalik sila sa kumpanya. Umupo si Cassidy sa kanyang desk, p
Last Updated : 2026-03-23 Read more