“TINGIN KO NAMAN, lahat ng babae may gano’ng katangian.”Tumango si Damion. “I see. Akala ko dahil may experience ka.”Nabigla si Czarina at magsasalita na sana nang kaswal na naglakad palayo si Damion, nakapamulsa ang mga kamay.Nabara ang mga hindi masabing salita sa puso ni Czarina, dahilan para hindi siya makahinga nang maayos.As he watched Damion’s back, hindi niya mapigilang masaktan at mapatanong sa sarili, “Is this really worth it?”Nakipaglaro pa si Czarina sa mga bata, habang tahimik siyang pinagmamasdan ni Damion na nakasilong sa malaking narra tree.Habang pinagmamasdan ang babae, may batang lalaki ang lumapit kay Damion at inabutan siya ng pompom na bulaklak.“Tito, may crush ka po kay Tita Merry?”Napalingon si Damion sa kanya, saka natawa, “Crush?”“Oo, ‘yong bang may gusto ka sa kanya. Kanina ka pa kasi nakatitig kay Tita Merry.”Damion smiled, but he didn’t answer; instead, he asked, “Kapag ba nakatitig, may gusto na sa kanya?”Tumango ang bata. “Opo! Gano’n kasi ako
閱讀更多