“A-ANONG SABI MO?” Nanlalaki ang mga mata ni Czarina na napatanong siya kay Wendy nang marinig ang sinabi nito. Nanghina siya at nawalan ng lakas ang tuhod, kaya’y napaupo ito sa kama ni Wendy. Bahagyang nanginig ang buong katawan.Wendy smiled faintly. “Zari…” Napailing si Czarina saka pilit na inaayos ang kompostura. “Ano ka ba? Si Meredith ako. Baka kamukha ko lang ang kaibigan mo…”Natigilan si Czarina nang inabot at hinawakan ni Wendy ang kamay niya. “Stop pretending, Zari…” Walang nagawa si Czarina kundi tuluyang ibaba ang matayog na dingding na nakapalibot sa kanya. “P-Paano mo nalaman?”“Paano ko hindi malalaman?” Tanong ni Wendy sa kanya: may matamis na ngiti, pero may lungkot sa mga mata. “Best friend kita. Kilalang-kilala kita. How could I not know my own sister in blood? Kahit ‘yang kuko mo sa hinliliit mo, kilalang-kilala ko. Ako pa talaga lolokohin mo?” Napakagat ng labi si Czarina at ang luhang ilang buwan na niyang pinipigilan ay kusa na lang tumulo, tila falls na tu
閱讀更多