“DON’T YOU KNOW HOW DANGEROUS IT WAS IN THERE?”Noong mawalan ng kuryente sa loob ng venue, agad siyang hinanap ni Damion. Pero gaano man siya lumingon sa gitna ng dilim at kaguluhan, hindi niya makita si Czarina. At doon lang niya napagtantong… nag-aalala siya.Dahil halatang galit ito, mabilis na yumuko si Czarina.“I’m sorry,” mahinang sabi niya. “Kasalanan ko po. Next time, hindi na ako lalayo sa inyo.”Maayos at sunod-sunuran ang sagot niya—pero imbes na mapakalma si Damion, lalo lang sumama ang timpla nito.Sa labas ng exhibition hall, halos lahat ng tao ay magulo ang hitsura—gusot ang damit, pawisan, at halatang nataranta. Pero si Damion, bukod sa bahagyang magulong buhok, nanatiling maayos at composed, na para bang hindi siya dumaan sa kaguluhan kanina.Samantalang si Czarina… kabaligtaran.Magulo ang buhok niya, gusot ang blouse, at doon lang niya napansing wala na pala siyang heels. Bahagyang kumunot ang noo ni Damion habang tumitig sa paa niya.“Where are your shoes?”Napaku
閱讀更多