LOGINthanks a bunch for reading! Your comments always make my day. Hope you’re having an amazing one too~ 🌸🫶
“FOUND IT…” mahina niyang bulong.Maingat niyang binasa ng antiseptic ang cotton swab bago dahan-dahang idampi sa hiwa.“Medyo malalim pala ang pagkakahiwa,” sabi niya habang nililinis ang sugat. “Lalagyan ko muna ng antiseptic. Kapag namaga ito bukas, kailangan na nating magpunta sa hospital.”Tahimik lang si Damion. Habang abala si Czarina sa paglalagay ng gamot, palihim itong nakatingin sa mukha niya.Nang mag-angat ng tingin si Czarina, agad itong umiwas ng tingin.“You talk too much,” sabi nito sa malamig at bahagyang naiinip na tono.“Para rin naman sa ikabubuti mo,” sagot ni Czarina.
“MEREDITH… YOU THINK YOU’RE SO GREAT?”Nang marinig ang malamig na boses na iyon ay agad ding napatigil si Czarina. Napatitig siya sa madilim na pigura, saka nanginginig na nagsalita. “I-Ikaw… Magnanakaw ka na ka-boses si Damion, ‘di ba?”“Oh, really?” malamig na sagot ng lalaki. “Then look carefully.”Binuksan ni Damion ang flashlight ng cellphone niya. Sa liwanag, bumungad ang mukhang halatang nagpipigil ng galit.Tuluyan nang nanlumo si Czarina. “S-Sorry! Hindi ko alam na ikaw pala. Akala ko may magnanakaw na nakapasok.”Bigla siyang napakunot-noo. “Wait… bakit ka ba kasi nakatayo ro’n sa dilim? Huwag mong sabihing…” Tiningnan niya ito nang may pagdududa, “Magnanakaw ka talaga?”“Magnanakaw?” Napairap si Damion. “Ano namang mapapala ko sa pagnanakaw dito?”“I can’t find my cufflinks. Look around here.”Lalong naging awkward ang sitwasyon. Parang gusto na lang ni Czarina na lamunin siya ng lupa.“Um…” alanganin niyang sabi. “Tulungan na lang kitang hanapin.”“Forget it.” Hinawakan n
KINABUKASAN.Napahawak si Czarina sa kanyang tyan dahil sa gutom. Gusto na niyang kumain, pero nang maalala niyang nakatira na ngayon si Damion sa kanila ay mas pinili niyang manatili sa kanyang kwarto.Hihiga na sana siya ulit nang muling tumunog ang kanyang tiyan. Napatingin si Czarina sa orasan at napansin na tila mabagal ang takbo ng oras.Napatitig siya roon nang may kumatok sa kanyang pintuan at pumasok iyon sa loob.Agad na lumiwanag ang mukha ni Czarina.“Tito Fran!” masigla niyang bati. “May dala ka bang breakfast? Gutom na gutom na ako! Anong ulam natin?”Napailing ang matanda. “Hindi kita dinalhan ng pagkain. Andito ako para yayain kang bum
“HAYAAN NA MUNA NATING MAG-STAY RITO SI SIR DAMION KAHIT ILANG ARAW LANG.”Halos lumabas na ang mga mata ni Czarina sa gulat. “Sandali… Tama ba ang narinig ko?” bulong niya sa sarili. “Pumayag si Tito Fran?”Hindi siya makapaniwala.Sa lahat ng taong posibleng tumutol, si Tito Fran pa ang inaasahan niyang hinding-hindi papayag.“Anong nangyari?” Sunod-sunod ang tanong sa isip niya.Pero alam niyang hindi iyon ang tamang oras para magtanong.Kaya tahimik na lang niyang itinabi ang lahat ng pagdududa, balak na kausapin na lang si Tito Fran kapag sila na lang ang magkasama.Mukhang kuntento naman si Damion. “Since there are no objections,” kalmado nitong sabi, “please arrange a room for me.”Bago pa makapagsalita si Tito Fran, mabilis nang sumingit si Czarina.“Tito Fran!” Pilit siyang ngumiti. “'Yung villa sa may entrance ng subdivision, maganda rin naman, 'di ba? Ibigay na lang natin sa kanya ang susi no'n.”“Ito ang advantage ng maraming bahay. Kapag doon siya tumuloy sa pinakamalayo
NAGPASYA SINA CZARINA at Tito Fran na pansamantalang lumipat ng tirahan upang mailayo siya sa panganib. Bago dumilim, tahimik silang nagtungo sa isang pribadong villa sa liblib na lugar.Nagulat si Czarina nang malaman na pagmamay-ari ni Tito Fran ang buong subdivision. Ipinaliwanag niya na binili niya ang mga villa bilang patunay sa kanyang husay sa pamumuhunan, hindi para ibenta. Bagama’t hindi maintindihan ang kakaibang hilig nito, nagpasalamat na lamang si Czarina at nagpahinga sa kanilang bagong pansamantalang tahanan.Samantala, abala si Tito Fran sa pag-aayos ng kanilang mga gamit; si Czarina naman ay paulit-ulit na umakyat at bumaba ng hagdan. Pero hindi nagtagal, nainip din siya.Tahimik na tahimik ang buong lugar. Kung nasa city proper sila, ito sana ang pinakamasayang oras ng araw—bukas ang mga mall, café, bar, at kung anu-anong puwedeng puntahan.Pero rito wala siyang marinig kahit ano, pati ang hangin ay tila nananahimik. Sobrang tahimik na halos nakaka-ilang.Dahil wal
“...AKO NA ANG MAG-AALAGA SA ‘YO HANGGANG SA TULUYAN KANG GUMALING.”“Ha?” Napakurap si Czarina. “Araw-araw siyang pupunta rito? Gusto ba talagang paikliin ng babaeng ‘to ang buhay ko?”Kahit si Wendy ay hindi napigilang mapangiwi.“Nako Zari...” mabilis nitong sabat, “Merry is fine. Hindi naman siya gano’n kalala para kailangan mo siyang alagaan araw-araw.”Natatawa pa nitong itinuro ang sarili. “Tingnan mo nga ako. Naparito lang ako para kumain.”“I just want to help Miss Velasco process everything she went through.” Nanatiling b
MARQUEZ VILLA.Pagkauwi ni Czarina, napansin kaagad ni Alejandro na may kakaiba sa kinikilos ni Czarina. Ang dating masayahin ay naging tahimik, detached, colder. Hindi na nagawang makapagtanong ni Alejandro at iniisip niya na baka may masamang nangyari o wala lang talaga ito sa mood.Nang gabing iy
MAAGANG TINAPOS NI DAMION ang trabaho, pero nanatili siya sa kanyang opisina hanggang sumapit ang dilim. Tulalang nakatitig sa mga nagtataasang building na kita sa loob ng kanyang opisina, gulong-gulo ang isip.At dahil hindi pa umaalis si Damion, maging si Kathy ay hindi rin umalis. Nakaupo lang it
“YOU’RE WELCOME TO WORK AT THE MARQUEZ GROUP.”Napangiti si Cassidy, punong-puno ng tuwa ngunit agad din itong napalitan ng pag-aalala. “Pero… ano bang pwede kong gawin? Wala naman akong sapat na qualifications, at ‘yong pinag-aralan ko…”“Don’t worry,” putol ni Damion, sabay utos kay Kathy. “Humana
FOR A MONTH, ni isang tawag o mensahe ay hindi natanggap ni Cassidy mula kay Damion. Paulit-ulit niya itong tinatawagan, ngunit hindi man lang sinasagot—isang bagay na labis niyang ikinabahala.Dati, isang ring pa lang ay sinasagot na niya. Ngayon, wala kahit isa.Habang lumilipas ang mga araw, lalo







