“DID YOU JUST SEE MADAM?” tanong ni Damion nang magkasalubong sila ni Czarina. Ilang minuto pa lang nito nakausap si Cassidy, pero tila ubos na ang lakas niya sa walang sawang pag-flex nito ng kanyang kwintas.“Opo,” tugon ni Czarina.“How was she?”“Mukha naman siyang masaya…”Tumango-tango si Damion, saka bahagyang nakangiti. “And that’s thanks to you.”“Me?” gulat niyang tanong.Tumango ito. “After what you said yesterday, I thought about it.” Bahagyang sumilay ang ngiti nito. “So I bought my wife a small gift.”Napairap si Czarina sa isip. “Small gift? Two million?” Iyon ang halaga ng kwintas na suot ngayon ni Cassidy. Mukha lang naman iyon simple at tila puwedeng suot pang-araw-araw, pero kung titingnan mabuti ang kwintas, puno iyon ng maliliit na diyamante.“Looks like it worked,” patuloy ni Damion. “She was very happy. We had a great time last night.”Nanigas ang ngiti ni Czarina. Kakakalma lang ng isip niya. Tapos, he had to phrase it like that. Napasimangot siya.“I already
Magbasa pa