TAHIMIK na pinapakalma ni Czarina ang sarili habang inaalala ang mga itatanong kay Damion.Ngunit pagsara pa lang ng pinto, bigla siyang natameme. Parang naglaho ang lahat ng inihanda niyang tanong.Wala naman siyang kasalanan. Pero kung minsan, pakiramdam niya, sapat na ang presensya niya para maituring na isang pagkakamali.Ayaw niyang akuin ang kasalanan ng iba. Ngunit kung ipipilit ni Damion na sa kanya ibuhos ang lahat ng sisi, wala siyang magagawa kundi magtiis.Hindi pa niya kayang putulin ang ugnayan nila. Naalala niya kung bakit siya napunta sa pamilyang Marquez, kaya pinili niyang magtimpi.Ngunit hindi niya alam kung hanggang kailan siya makakapagpigil.Kaya nang magsalita si Damion, nanatili lamang siyang tahimik.Sandaling nag-atubili si Damion bago nagsalita. “Take a rest for a few days.”“Tapos?” maikling tanong ni Czarina.“I’ll handle everything. Kapag humupa na ang issue, saka ka na bumalik.”Napangiti si Czarina nang mapakla. “President, you’re always too slow,” mal
Read more