“...BAKA MA-OFFEND MO.”Napairap si Cassidy. “I’m paying for the consultation,” mataray nitong sabi. “Bakit ako ang mag-a-adjust? Kung bastusin niya ako, hindi ko rin siya palalagpasin.”Agad namang sumingit si Damion. “Control your temper,” kalmado nitong sabi. “Hindi makakatulong ang pagagalit.”Bahagyang lumambot ang ekspresyon ni Cassidy. “I just don’t want to embarrass you,” mahina nitong paliwanag.“Hindi reputasyon ko ang mahalaga,” sagot ni Damion. “I just want you to get better.”Mahina lang ang naging tugon ni Cassidy. “Wala naman akong sakit.” Ngunit wala nang sumagot dito.Makalipas ang ilang minuto, huminto ang sasakyan sa isang kilalang Traditional Chinese Medicine Clinic.Naunang bumaba sina Damion at Cassidy, habang sumunod naman sina Wendy at Czarina.Matanda na ang doktor na sasalubong sa kanila—bahagyang kuba, nakasalamin, at mabagal kumilos.Nang marinig nito ang pagbukas ng pinto, marahan itong tumingala, “Sino ang pasyente?”“Ako,” agad na sagot ni Cassidy bago u
続きを読む