NANG BUMALIK SI CZARINA sa opisina ay na-feel niyang lalagnatin siya dahil sa naging usapan nila ni Wendy kanina.Alam niya naman iyon. Habang tumatagal, baka nawawala na rin ang chances na mahanap niya ang kanyang anak. Pero ano'ng magagawa niya? Kung kaya niya lang libutin ang buong mundo nang siya lang para mahanap ang kanyang nawawalang anak, ay gagawin niya.Sa ngayon ay umaasa na lang siya sa updates sa kanya ni James.Napahawak si Czarina sa locket niya. Mahigpit na halos bumaon na ang kuko niya sa palad. Napansin ni Damion ang pagiging tulala ni Czarina. At mas lalo niyang napansin ang hawak nitong locket na ngayon niya lang nakita.For an unknown reason, kumirot ang dibdib niya.Gumalaw ang panga niya, saka ito nakapamulsang lumapit sa table ni Czarina at pinasunod ito sa kanya sa loob ng opisina.Pagkapasok nila sa opisina, walang paligoy-ligoy na nagsalita si Damion.“Cancel all your plans this weekend. My father is inviting you and your uncle to dinner.”Napakunot-noo si
Leer más