DAHIL SA KARAMDAMAN NI CASSIDY, naging sentro ito ng pag-aalaga ng pamilyang Marquez. Dumalaw din si Wendy upang pasayahin ito, ngunit sa halip ay lalo lamang nainis si Cassidy at nagkunwaring matutulog upang mapaalis siya.Nang dalawin ni Czarina si Wendy matapos ang trabaho, nalaman niyang balak nitong dalhin si Cassidy sa orphanage, baka sakali ay mas lalo lang nilang mapainis ang babae.Dahil ang tunay na Czarina, mahal na mahal ang mga mata. Ayaw man gawin iyon ni Czarina, marahil ay baka ang mga bata ang maapektuhan, pero wala na siyang nagawa. Magdodobleng ingat na lamang sila.WEEKEND AT THE ORPHANAGE.Gaya ng inaasahan ni Czarina, naroon din si Damion. May kasama itong isang delivery truck na punô ng mga donasyon—mga grocery, school supplies, laruan, damit, at iba pang pang-araw-araw na pangangailangan.Sa sobrang saya ng mga bata, nagsigawan ang mga ito habang nagsisipagtakbuhan palabas ng gusali.Lumapit din ang head ng orphanage kay Cassidy. Hindi niya alam na ibang tao na
続きを読む