HABANG PABABA SA MAKITID NA HAGDAN, pakiramdam ni Czarina ay hindi totoo ang lahat. She’s too overwhelmed.Inaasahan niyang matutuklasan ni Damion ang identity niya, pero hindi niya akalain na magiging ganoon ito kakalmado—parang wala lang at kinausap pa siya na parang magkaibigan.Pero hindi ibig sabihin noon na maaari na siyang magpabaya. Masyadong tuso si Damion. Kahit gaano ito ka-friendly, hindi niya dapat kalimutan na may sarili itong plano.Paglabas niya ng ospital, agad niyang nakita si Tito Fran sa tabi ng kotse, paulit-ulit na tumitingin sa building.Nang makita siya, halatang nakahinga ito nang maluwag at mabilis na lumapit.“Finally! Lumabas ka rin. I was about to go up there and kidnap you myself.”“Okay lang ako. Tara, sa loob na tayo mag-usap.”Naunang sumakay si Czarina, saka sumunod si Tito Fran.Pagkasara ng pinto, agad itong nagtanong, “You’re really okay? Hindi ka ba ginalaw ng impostor?”“Of course, hindi naging madali.” Sarkastikong ngumiti si Czarina. “Gusto pa
더 보기